Da Who
Si Kwentuko ay mahilig mag-opinyon sa mga napapanahong balita. Isang makulit na mahilig magsulat ng mga kwento na nangyayari sa pang araw-araw na buhay ng Pinoy. Pag siya ay nananaliksik sa mga sariwang balita ang buntot nia ay pumipitik-pitik at kapag siya ay sumisiksik ang mga mata niya ay pumipikit-pikit. Kapag nakakita naman na siya ng magandang balita, ang mga mata niya ay dilat na dilat at titig na titig.
Tulad ng isang lizard na makikita sa mga kisame o ding-ding ng ating mga bahay, si Kwentuko ay ganun katindi maghagilap ng mga sariwang balita. Parang nakikinig sa mga nangyayari o pinaguusapan ng mga tao at parang nangungusap ang mga mata para magsabi ng opinyon.
Kulay green ang balat na minsan kulay green rin ang utak. Haha. Pero ang damdamin na kanyang mga inilalahad ay galing sa sarili niyang nararamdaman na pwedeng kumatawan na sa damdamin ng isang Pinoy. Alam naman natin na ang mga Pinoy ay likas na mahilig makialam at magusisa sa mga istorya at balita. Lalong lalo na siguro sa mga nangyayari sa ating bayan. Siguro ito ay dahil na rin sa kultura natin at dahil sa nais natin na pagbabago. Ito ang isang naging inspirasyon ni Kwentuko sa paglalahad niya ng kaniyang mga opinyon at paniniwala.
Mababasa mo ang ibang tungkol pa kay Kwentuko sa mga pahina na ito; Sino nga ba si Kwentuko? at Papaano mo ako binasa?

Mga Komento