Totoo ba ang Driver ay Sweet Lover?

June 17, 2010 | In: Kwentong Driver

Famous Philippine JeepneyMaswerte tayong mga Pinoy na marami tayong public transport vehicles na naghahatid sa ating mga pupuntahan. Ito ay mapatrabaho, eskwelahan, gimikan, mall o sa kung saan man. Mayroon tayong masasakyan ano mang oras at ano mang panahon. Hindi tulad sa ibang bansa na may nakatakdang oras para sa isang public transport tulad ng bus at tren. Kapag wala kang sariling sasakyan sa ibang bansa, sigurado mahihirapan ka. Kaya siguro madaling makakuha ng mga sasakyan doon ang mga Pinoy na may stable na work.

Dito sa atin 24 hours mayroon kang masasakyan. At ang pinakasikat na nga sa atin ay ang jeep na sinundan na ng mga bus, tricycle, mrt, lrt, pedicab, padyak at taxi. Sigurado marami sa atin ang nakakita na ng mga signboards na nakapaskil sa mga ito lalong lalo na sa mga jeep. Ang pinakasikat na nga dito ay ang ‘Basta Driver Sweet Lover” at sinundan ng mga “Basta Sexy Libre”, “Sexy, Kung Nais Mo’y Libre Sa Driver Ka Tumabi”, “Subukan Mong Ako’y Ibigin at Kapag Ikaw ay Nabitin Saka Mo Ako Sisihin”, “Ang Pampatibay ng Relasyon ay Iba’t Ibang Posisyon”. At kung ano-ano pang makukulit na kasabihan ng Pinoy drivers.

Palagi akong sumasakay ng taxi lalong lalo na pag late ako umuuwi. Sabi nila kakausapin mo raw ang taxi driver para makapalagayan mo ito ng loob. Madalas kong inuumpisahan ang kwentuhan sa pagtatanong ng ‘Ang taas na ng gasolina noh Manong?’ o d kaya ’24 hours kayo Manong’ at isa pa ay ‘Manong, totoo ba ang driver ay sweet lover?’. Madalas kong nakukuha ang kiliti ng mga taxi driver sa tanong kong ito.

Pag sila ay akin ng natanong, natatawa sila o nangingiti at doon na nagsisimula ang aming kwentuhan. Siguro sa mga 10 taxi driver kong natanong mga 7 sa kanila ang umamin na totoo nga ang kasabihan. Marami sa kanila ay may mga asawa na at umaamin na may mga number 2 silang tinatawag. At karamihan rin sa mga number 2 nila ay mga naging pasahero nila sa mga taxi.

Kinikwento rin nila sa akin na may mga service silang tinatawag. May mga sinusundo sila at hinahatid na mga babae na nagtratrabaho sa mga patay-sindi na lugar. Minsan raw nakakascore din sila doon. Mayroon din nagkwento sa akin na minsan ay may pumapara sa kanila na mga babae. Sinasabi raw ng babae na ‘Manong, wala akong pamasahe. Pero pwede mo akong i-take home’. Natatawa ako sa mga kinikwento nila. Yung ibang driver ay napapailing na lang kasi ayaw raw nila sirain ang magandang byahe nila. Tama nga naman yung kinita nila ay mapupunta lang sa wala imbes na mapunta sa kanilang pamilya. Pero mayroon din pumapatol.

Kapag binata naman ang taxi driver, madalas yata silang pumapatol base sa mga kwento nila. Minsan raw pag low budget ay may pinupuntahan sila na lugar para makaraos sa presyong 50 lang at yung mga yun raw ay may edad na babae na. Pumupunta raw sila doon bago raw sila gumarahe. Natatawa na lang ako sa mga kwento nila. Isa lang ang ibig sabihin nito, karamihan talaga sa mga driver ay sweet lover!

Opinyon ni Kwentuko: Ang mga Pinoy ay likas na masayahin. Likas na gumagawa ng paraan para makalimot sa mga problema. Siguro isa na ito sa mga paraan ng iba para makapagrelaks. Sa issue nang panchichicks, siguro asa kultura na talaga ng isang lalaki yun. Pero sana naiisip ng iba na paano kung yung mga asawa nila o girlfriend ang magloko matatanggap kaya nila yun? Mahirap yatang maiputan sa ulo. Sumasangayon ako sa mga iba na ang mga pinaghihirapan nila ay diretso agad sa kani-kanilang mga pamilya. Sa hirap ng buhay ngayon, dapat lang na ang lahat ng pinaghihirapan ng mga Pinoy ay sa mga mabubuting bagay napupunta.


Related Posts with Thumbnails

Comment Form