Pasukan na Naman?

June 15, 2010 | In: Kwentong Estudyante

Masayang Estudyante“Haayy.. Pasukan na naman”. Narinig na naman natin yang mga kataga na ganyan sa mga estudyante.

Naaalala ko nung elementary at high school days ko. Ang saya-saya ko kapag March na pero pag sumapit na ang May parang hindi na. Nagbibilang na ako ng mga araw kasi pasukan na naman. Halos lahat naman tayo dumaan sa pagiging buhay estudyante. Kaya nararamdaman natin ang mga hinaing ng mga bata na ayaw pa rin pumasok at parang asa bakasyon pa rin. Parang ako lang, tamad. hehe.

Noong May pa lang nagsimula nang mamili ang mga magulang ng mga gamit ng mga bata sa eskwela. Sigurado hinigh-blood na naman ang mga magulang sa mga matataas na presyo ng mga bilihin. Pero tingin ko sa panahon ngaun nagtitipid na ang mga magulang at lahat ng mga pwede pang magamit ay gagamitin pa rin. Siguro magandang halimbawa diyan eh mga school uniforms, sapatos, notebook at libro na ndi masyado nagagamit. Hindi naman lahat ay kailangan bago sa pasukan. Tingin ko naiintindihan na rin ito ng mga estudyante.

Saludo ako sa mga working students na maski nagtratrabaho pinipilit pa rin nilang makapagtapos ng pagaaral. Kahit na mahirap pinipilit pa rin nila para may pambaon o d kaya’y pang tuition. Saludo rin ako sa mga magulang na iginagapang nila ang pagaaral ng kanilang mga anak para sa magandang kinabukasan ng mga ito.

Opinyon ni Kwentuko: Dito sa atin kapag hindi ka nakatapos ay hindi ka makakapagtrabaho ng may magandang sweldo. Sana sa mga estudyante, pilitin na makatapos ng pagaaral para sa magandang kinabukasan. Huwag sa bisyo ipunta ang mga baon dahil sayang ang pinaghihirapan ng inyong mga magulang.

Related Posts with Thumbnails

Comment Form