May Bagyo Na Naman?

September 16, 2010 | In: Kwentong Kalikasan

Mayroon na naman bagyo dito sa atin. Si Bagyong Inday na natagpuan 603 km east northeast ng Basco, Batanes ayon sa (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration) PAGASA. Kaya pala nakakaranas tayo ng manaka-nakang pag-uulan, kulog at mga kidlat ngayon. Mayroon lakas si bagyong Inday na 95kph hanggang 120kph pero paalis na rin ito ng ating bansa ayon sa PAGASA.

Setyembre na naman at parating na naman kung saan tayo binayo ng Bagyong Ondoy at Pepeng. Sana hindi na maulit ang mga iyon. Pero sana magbigay ng sapat na tubig ulan para sa mga dam natin para hindi tayo dumanas ulit ng tagtuyot. Iba na talaga ang panahon ngayon, sana hindi na tayo dumanas ng mga sakuna.

Opinyon ni Kwentuko: Naaalala ko nung Bagyong Ondoy na maraming napinsala. Halos mag-iisang taon na rin ito. Kaya dapat mag-ingat at maghanda tayo palagi. Hindi lang dahil sa may bagyo, hindi lang dahil panahon na ni Ondoy kundi para sa kaligtasan natin lahat.

Related Posts with Thumbnails

Comment Form