Ano ba ang Mahiwagang Happy Horse?
June 4, 2010 | In: Kwentong Lasing
Alam naman natin na ang mga Pilipino ay mahihilig sa mga kasiyahan at sa bawat kasiyahan ay hindi mawawala ang tagayan at inuman. Tayong mga Pinoy ay mahihilig sa kung ano anong klase na mga inuming nakakalasing. Andiyan ang mga hard at beer at mga pulutan na mani at mga pampabata. Minsan nga maski yosi, sipol at kwento ay swak na sa ating mga Pinoy.
Kapag walang budget, madalas na iniinom ng mga Pinoy ay Granma (Grand Matador), Empoy (Emperador), Napoleon o d kaya Tanduay. Pagnabitin ang mga Pinoy, bibili pa ng panghugas. Madalas na ginagawang panghugas eh San Mig Light o d kaya Red Horse. Sa mga magtrotropa, minsan pinagaagawan ang happy horse ng Red Horse o d kaya ay iniilagan. Bakit nga kaya?
Sabi nila sa isang case ng Red Horse ay mayroon isang Happy Horse. Sabi rin nila na mas mataas ang alcohol content ng isang Happy Horse kaysa dun sa normal at mas matamis sa panlasa. Kaya masasabi mo na.. ‘Ito ang Tama!’
Siguro maganda eh tignan natin kung ano ano ang mga pagkakaiba ng isang Happy Horse sa hindi:
- Literal na nakangiti ang logo na kabayo ng Red Horse sa harap.
- Mas luma ang itsura ng happy horse sa normal.
- Kulay red ang nakasulat sa likod ng happy horse at kulay dilaw sa normal.
- May pagkakaiba sa mga nakasulat sa likod. Mapapansin na ang salitang ‘BEER’ ay nasa ibaba ng brand name kumpara sa normal na dirediretsong nakasulat.
- Naka-bold ang letters ng isang normal na Red Horse kaysa sa Happy Horse.
Maglabas na tayo ng pulutan, alak, yelo at yosi at magmamam na!
Opinyon ni Kwentuko: Ang mga Pinoy ay likas na masayahin at naglalaan talaga ng oras para sa kasiyahan. Sana lang ang alak ay napupunta diretso sa tiyan at hindi sa utak. Kasi malimit na nagkakaroon ng away at patayan sa mga inuman kapag ito ang ginagawa.

1 Response to Ano ba ang Mahiwagang Happy Horse?
creolyo peninsulares
August 16th, 2010 at 9:25 am
sir ok sana ang kwento mo, kaso parang kulang, sana nagbigay ka rin tips sa mga establishments na swak sa budget ng tropa, kasi minsan nakakasawa kapag puro bahay lang ang tirada….
Next time sana may tips kayo kung san makakatipid at maganda ang view!! para ayus sa trip at everbody HAPPY, hinde lang ang HAPPY HORSE ang HAPPY