Nakapag-Propose Ka Na Ba Sa Kanya Ng Kasal?
September 7, 2010 | In: Kwentong Pagibig
Marami ang nagsasabi na ang kasal ay hindi parang kanin na isusubo lang na kapag ikaw ay napaso iyong iluluwa. Panahon pa yata ito ng mga hapon. Siguro sa panahon ngayon marami na ang hindi naniniwala sa ganitong kasabihan. Kasi nga naman yung iba wala ng kasal kasal. Wala na rin propose-propose.
Mayroon akong 12 tanong na dapat mo muna masagot bago ka mag-propose sa girlfriend mo. Kailangan na maging 100% sure ka sa mga sagot mo dito. Hindi pwede 75%. Hindi pwede 99%. Dapat 100% para perfect!
1. Mahal mo ba talaga siya? – Kailangan mahal mo talaga ang babae na papakasalan mo kasi siya na ang makakasama mo habang buhay. Kung mayroon kang iba timbangin mo. Kung sino ang mas mabigat dun ka na. Wag nang kung san-san pa tumingin. Kung kailangan mo maglagay ng tapahoho maglagay ka.
2. Sigurado ka na ba talaga? – Kung dahil lang sa nabuntis mo siya o dahil lang sa pinagkasundo kayo ng mga magulang niyo huwag mo ng ituloy. Magsisisi ka lang sa huli. Dapat tularan mo si Robin Padilla. Sabi nga niya “bago umaksyon proteksyon” at dapat may sarili kang desisyon.
3. Handa ka na ba? – Marami ang nagsasabi na kailangan may ipon kahit na kaunti lang bago magpakasal. Tama nga naman. Kaya lang sa hirap ng buhay ngayon eh ang hirap magipon. Ang daming gastos. Kung tingin mo naman sapat na ang iyong kinikita eh pwede na.
4. Tanggap mo ba siya? – Tanggap mo ba ang ugali niya kung siya man ay madaling magalit o dada ng dada? Kaya mo ba na palagi ka na lang niya aawayin at pagseselosan? Kung hindi mo kaya wag mo na ituloy baka mabaliw ka lang.
5. Sawa ka na ba sa pagka-binata? – Alak, yosi, babae, sugal at kung ano-ano pang mga bisyo mo kaya mo bang iwan ang mga ito para sa magiging pamilya mo?
6. Asa wastong gulang ka na ba? – Baka naman bata ka pa na kailangan mo pang mag-aral huwag mo na lang muna ituloy. Tapusin mo na lang muna ang pag-aaral mo at magtrabaho ka. Kung may edad ka naman na eh ano pang hinihintay mo? Go for the Gold ka na!
7. Gusto mo lang ba lumaya sa puder ng iyong mga magulang? – Kung oo. Huwag mo na rin ituloy. Para ka lang naghanap ng dahilan para makawala.
8. Ayaw ba niya pero gusto mo? – Alam mo na siguro ang tinutukoy ko. Ang sinasabi ba niya sa iyo eh saka na lang pag kinasal kayo? Huwag mo nang ituloy. Tiis ka muna. Marami pang ibang paraan diyan. Andiyan pa naman si Mariang Palad.
9. Malungkot ka ba at gusto mong sumaya? – Kailangan mo ba ng kasama sa mga problema mo? Kawawa naman yang papakasalan mo kung ganun. Ang maganda diyan magtulungan na lang muna kayo para maresolba ang mga problema niyo. Para bago kayo magsimula eh wala kayong iniisip.
10. Gusto mo lang ba magka-baby? – Kung gusto mo lang magka-anak eh huwag mo ng ituloy. Baka iwan mo lang yung babae. Kawawa naman ang anak mo. Broken family agad kayo.
11. Gusto mo ba yumaman? – Wala na bang laman ang wallet mo? Picture niyo na lang? Kung ito ang dahilan huwag mo nang ituloy. Marami pang ibang paraan diyan. Masama manggamit ng tao.
12. Gusto mo lang ba tumira sa ibang bansa? – Alam ko gawain na ito noon pa. Pero hanggang ngayon ginagawa pa rin. Uso eh.
Kung titignan napakalabo ma-perfect ang mga tanong di ba? Mahirap kasi bawat isa atin ay may mga sariling dahilan at gusto. Wala naman kasi talagang perpekto dito sa atin sabi nga. Basta lahat eh samahan ng dasal para maging maayos ang lahat. Kung hindi man perfect ang sagot mo ayos lang yun. Basta sundin mo kung ano ang nasa loob mo. Yun ang gawin mo.
Opinyon ni Kwentuko: Ito na yata ang ideal na dapat nangyayari sa isang mag-kasintahan bago sila magsumpaan. Pero hindi ito ang nangyayari. Basta ang pinaka-importante sa lahat eh nagmamahalan, may respeto sa isa’t-isa at kaya ng buhayin ang magiging pamilya. Kapag kaya na huwag nang patagalin pa ganun din naman eh. Basta magtulungan lang sa lahat ng bagay at walang iwanan.

2 Responses to Nakapag-Propose Ka Na Ba Sa Kanya Ng Kasal?
jm bates
March 15th, 2011 at 9:30 pm
I don’t think its important to be able to answer all those question when settling down… Let me put it this way, the only kind of marriage that last is the one that started with love… When you meet the one and you feel that unexplainable flying butterflies and happines when your together; then there’s no turning back… All logic’s are thrown out the door and all you can do is take your chances and hope for the best… in the end there will be no regret… Honestly speaking if you continously see flow’s in your relationship then that’s not real; what you have together is called Lust… True love blinded every logical thing in your brain; and it make’s you a fool… But still it’s the greatest feeling in the world… There’s no such thing as perfect!!!
arnold
November 4th, 2011 at 9:06 am
ang ganda naman ng kwento mo