Kumain Ka Na Ba Sa Mister Kabab?

September 6, 2010 | In: Kwentong Pagkain

Sa mga hindi nakakaalam, ang Mister Kabab ay isa sa mga nagsulputan na Persian restaurant dito sa atin at tingin ko isa ito sa mga pioneers. Naaalala ko yung una nitong pwesto sa corner ng West Avenue at Quezon Avenue (Delta). Pag dumadaan ako dito dati hindi ko alam kung bakit ang dami-daming tao, pinipilahan, ang hirap ng parking at ang itsura sa loob ay madilim na ang mga ilaw ay parang kulay dilaw o orange pa. Parang iisipin mo asa beerhouse ka. Open din ang Mister Kebab kaya pwedeng magyosi sa loob. Dahil sa naging interesado ako dito naisipan kong kumain kasama ang girlfriend ko. Ang daming tao at waiting pa kami noon. Ang liit pa kasi ng pwesto nila at bilang na bilang ang mga upuan at kainan.

Humingi kami ng menu at bagong bago talaga sa paningin ang mga tawag nila sa pagkain. May Keema, Chelo, Korma, Beryani, Vavishka at kung ano-ano pa. Wala kaming kaalalam alam noon kaya tinanong na lang namin ang waitress kung ano ang specialty nila. Isa nga lang ang alam namin nun eh ‘Shawarma’ lang. Sinabi ng waitress ang specialty nila ay ang Chelo Kabab, Ox Brain at Keema. Ayun at nagorder na kami. Lumapit ang waitress na may dala-dalang puti at pulang container na ang parang nasa loob ay ketchup. Yung asa kulay puti palang container ay garlic sauce (the best!) at ang asa pula ay hot sauce. Sumunod ang drinks. Habang inaantay namin ang amin pagkain naisipan kong magyosi at mag-CR. Yung CR nila noon ay hindi kaaya-aya at mapapaisip mong umatras. Haha.

At salamat dumating na rin ang inorder namin. Sa unang tingin akala mo kung ano ang inorder mo kasi may inihaw na kamatis at parang pag titignan mo maiisip mo kung ano ang inorder mo. Pero huwag ka, kapag tinikman mo para kang asa langit. Kakaiba ang nalalasahan mo na hahanap-hanapin mo at babalik-balikan. Parang ang dami-daming spices na kasama. Parang Pringles lang na once you pop you can’t stop!

Due to persistent public demand, lumipat rin sila ng pwesto sa may West Avenue. Siguro marami ang nagrequest na lakihan na nila ang pwesto nila. Mga ilang taon na rin ang nakalipas yun. At hanggang ngayon, pag nagpupunta man ako ng umaga, hapon, gabi o madaling araw man eh marami pa rin tao. Kadalasan kapag tapos ng gimik eh dito diretso ang mga tao. Parang hindi nakakasawa kasi ang pagkain kaya siguro binabalik-balikan. Kaysa mag-fastfood ka eh di mag Mr.Kabab ka na lang kasi halos the same rin ang price (100-150/meal). Para sa mga hindi pa nakakabalik mas malaki ang pwesto nila ngayon kaysa sa dati, mas maliwanag, mas malinis ang comfort room. Yun nga lang minsan hirap pa rin sa parking. Pero ang pagkain eh.. Tsalap tsalap!

May bago pala silang branch sa may UP Ayalaland TechnoHub kaso hanggang 12 midnight lang sila.

Opinyon ni Kwentuko: Sana lagyan na rin siguro nila ng branch sa may bandang south para hindi na rin nahihirapan pang dumayo sa Quezon City ang mga taga doon. Pero tingin ko soon mangyayari na rin yan. Sana pagpatuloy ng management ang magandang service. Pero minsan matagal magbigay ng sukli. Mas masarap kumain dito kapag nakainom. Sana lang maglabas na rin sila ng libreng sabaw ng medyas.

Related Posts with Thumbnails


3 Responses to Kumain Ka Na Ba Sa Mister Kabab?

Avatar

Chop

September 7th, 2010 at 12:06 pm

Panalo talaga ang pagkain dito! Minsan ang tagal nga lang nila magbigay ng sukli pero magandang opportunity na rin yun para mag sightseeing ng mga chiks. :)

Avatar

irishpauco

November 26th, 2010 at 10:23 am

tama po kuya,,

Avatar

soi

June 5th, 2011 at 3:44 am

madame pang artistang kumakain dito

Comment Form