Bata..Bata..Paano Ka Ginawa?

December 22, 2011 | In: Kwentong Pamilya

Siguro naman ang iba sa inyo ay nasubaybayan ang mga iba’t-ibang kuwento at opinyon na na-share sa inyo. At sa aking pagbabalik sa pagsusulat, nais kong malaman ninyo na mayroon na akong anak. Tama! Si Kwentuko ay mayroon ng “Jun-Jun”!

Mahigit dalawang buwan na ang aking anak ngayon at ang bilis niyang lumaki. Sabi nga ng mga nakakakita sa kanya, parang ndi 2 buwan ang laki niya. Parang asa 5 o 6 na buwan na raw. Siguro dahil iyon sa gatas at vitamins na kanyang iniinom. Salamat sa sponsor niyang si Tiki-Tiki. Masayang-masaya ako dahil nakikita ko siyang lumalaki ng maayos at malusog. Salamat sa Diyos.

Para sa mga kabataan, nagbabalak magpamilya sana mabasa niyo ito na hindi ganun kadali magpalaki ng anak. Siguro hihimayin ko na lang sa inyo kung bakit ko nasabi ang mga ito.

1. Gatas – isang maliit na lata ng gatas ay nagkakahalaga ng kulang-kulang 500 piso at ito ay hindi umaabot ng 7 araw o isang linggo. Depende na lang siguro kung nagpapagatas din ang ina ng bata. Kung susumahin ko siguro lahat lalagpas ng 4k ang budget sa gatas pa lang at asahan na ito ay lalaki kasabay ng paglaki ng baby.

2. Diaper – hindi naman pwede gumamit ang baby ng Hanford, Warren, Calvin Klein o brief na bacon ang baby. Kailangan niyang mag-diaper. Kung susumahin mga 1k ito kada buwan.

3. Immunizations – kada buwan ay mayroong required na immunization ang baby na minsan ay nagkakahalaga ng mahigit 2k kada buwan.

4. Vitamins – syempre hindi pwede mawala ang mga ito para proteksyon sa kalusugan ng baby.

5. Extras – damit, sabon, laruan at kung ano-ano pang kailangan ng baby.

6. Sipag at tiyaga – kailangan maging sanay sa puyatan at matinding pasensya sa mga bagay.

7. Pagmamahal – kailangan upang lumaki ng maayos ang baby at tumibay ang pagsasama ng pamilya.

Siyempre habang lumalaki mas lumalaki ang gastos. Kailangan ko ng mag-ipon para sa kanyang edukasyon. Hmmm.. Noong nagaaral ako mahal na ang tuition.. Paano pa kaya pag sa panahon na yung anak ko naman ang mag-aaral?

Kaya sana sa mga kabataan na curiousity ang pinapairal eh magisip-isip kayo. Magtapos muna kayo, maghanap ng trabaho para may pambuhay sa pamilya.

Totoo nga ang sabi ng mga nakakatanda. Mawawala na ang lahat kagaya ng mga nakasanayan mo ng gawin o bilhin pag may anak ka na. Dahil maiisip mo na mas kailangan to ng anak mo, para sa kanya lahat. At sa lahat ng pagod mo sa buong araw, pag makita mo lang siya eh mawawala na ito kaagad.

Sa paglaki mo anak sana mabasa mo rin ito. Mahal na mahal kita.

Related Posts with Thumbnails

Comment Form