Nasabi Mo Na Ba Ito? – ‘One Day I’ll Have My Own Car Too’
October 7, 2010 | In: Kwentong Pangarap
Noong bata pa ako mahilig ako magbuting-ting ng mga spare parts ng makina ng mga jeep namin. Tumutulong ako sa mga driver namin noon pag mayroon silang kinukumpuni. Sumasama rin ako sa mga pasada nila kung minsan. Kaya masasabi ko na mahilig talaga ako sa mga sasakyan. Hanggang sa tinuturuan na nila ako mag-drive. Isa rin sa una kong pinagpraktisan yung kotse namin na 2-door Mitsubishi Colt na sobrang hirap imaneho kasi hindi pa sia power steering pero ang sarap iharurot sa kalsada. Naalala ko pa noon na isa rin yung bayaw ko ang nagtuturo sa akin gamit ang kotse namin na yan.
Hanggang sa nagkaroon kami ng automatic na Honda Civic. Gustong gusto kong imaneho yun kasi mabilis at hindi mahirap imaneho. Kaya lang sa tatay ko yung kotse. Sa tuwing hihiramin ko yun eh parang napipilitan siya at parang nagagalit kasi siguro kung saan saan na naman ako pupunta at late pa ko nakakauwi. Parang hinahigh-blood pa siya sa tuwing hihiramin ko at sa paguwi ko kahit na sasabihin kong magpapagas ako. Kaya minsan pag nakauwi na ko eh nakafull-tank na ang kotse. Tinutulungan ko na rin siya sa gastos sa maintenance. Naiintindihan ko naman siya. Hindi lahat ng mga bagay ay madali mong makukuha ng isang iglap. Kahit papano eh kailangan mo rin ito paghirapan. At sa pangaral niya na ito sa akin ay natuto akong magsikap at mangarap.
Pag pumapasok ako sa opisina at sumasakay ng mrt o taxi. Lagi kong iniisip kung kailan ako magkakaroon ng sarili kong sasakyan. Dahil sa totoo lang napakahirap magcommute lalo na pag rush hour at umuulan. Ang hirap sumakay. Andiyan yung mababadtrip ka dahil sa haba ng pila, binabalya ka sa mrt, kokontratahin ka ng taxi, mahuhuli ng MMDA ang sinasakyan mo hanggang sa late ka na at kung ano-ano pa.
Madalas kong naaalala ang commercial ng BDO na may nagsasabi nang ‘One day, I’ll have my own car too’. Para na siyang tattoo na tumatak sa isip ko. Halos araw-araw ko siyang naiisip. Pero parang totoo nga yata na kung ano ang iniisip mo yun ang lalabas. Sabi nga nila ‘Law of Attraction’. Kaya noong nagkaroon na ako ng pera eh hindi na rin ako nag dalawang-isip na tuparin ang aking pangarap.
Naghanap ako sa internet, sa newspaper at sa mga car dealers. Nakaikot rin ako sa bangko. Hanggang sa may nakita akong sasakyan na kumuha agad ng attention ko. Isa siyang SUV (Sports Utility Vehicle) – Nissan Xtrail. Halos dati ito ang una kong plinano na bilhin hanggang sa nagpapalit palit ang isip ko dahil sa mga bagong naglabasan na sasakyan tulad ng Mitsubishi Montero at Hyundai Sta. Fe. Ngayon bumalik rin ako sa unang plano. Parang tinadhana talaga. Ang sarap sa pakiramdam na ang isa sa pinangarap mo na bilhin ay napasaiyo na.
Sigurado hindi lang ako ang nangangarap na magkaroon ng sariling sasakyan. Marami rin sa atin and hindi kaya bumili ng brand new o di kaya ayaw talaga bumili ng brand new dahil sa bilis mag-depreciate ang value nito. Naglista ako nang mga tips tungkol sa bank financing at sa pagbili ng second hand cars at isi-share ko sa inyo.
1. Ano ba ang gusto mong sasakyan? – Kotse ba? SUV? Van? Dapat alam mo at gustong gusto mo ang sasakyan na kukunin mo kasi baka magsisi ka sa huli.
2. Ano ba ang purpose ng sasakyan na bibilhin mo? – Service mo ba ito sa opisina? Pang araw-araw ba? Pampamilya? Mas maganda kung maging praktikal para worth-it ang sasakyan para sayo.
3. Magkano ba ang budget mo? – Dapat alam mo kung kaya mo bang bayaran ang monthly amortization ng kukunin mo sasakyan. Maganda eh magtanong tanong ka na rin sa bangko at magpacompute kung magkano ang buwanan mong hulog para kahit papano eh maestimate mo kung kaya mo siyang bayaran. Mahirap na kung mahatak yung sasakyan.
4. Marunong ka bang tumingin ng makina? – Sa pagpili ng sasakyan, mas maganda na magpasama ka sa isang mekaniko kung hindi ka marunong tumingin at makiramdam. Minsan hindi lang dahil maganda siya sa panlabas eh maganda na ang nasa loob. Suriin muna ng mabuti at huwag padalos-dalos. Dahil hindi naman lingid sa atin yung mga nabahang sasakyan noong bagyong Ondoy at Pepeng.
5. Nakapag-canvass ka na ba? – Tignan mo lahat ng mga posibleng classifieds kung saan nagpopost ang mga dealers o car owners. Maari ito ay sa pamamagitan ng internet, dyaryo o sa mga banners sa kalsada. Magtanong-tanong din sa mga kakilala kung may alam sila na nagbebenta ng gusto mong sasakyan. Mas makakatipid ka sa mga yun.
6. Marunong ka bang tumawad? – Siguradong sigurado na ang asking price ng mga sasakyan eh natubuan na ng todo. Kaya huwag kang mahiyang tumawad. Kung makatawad ka ng 50k eh di maganda na.
7. Kumpleto ka na ba sa requirements? – Mas maganda kung kumpleto ka sa requirements para wala ng hassle at mabilis maaprove ang loan application mo. Ang mga requirements sa bank financing ay:
- Certificate of Employment
- ITR
- 2 Valid IDs
- Checking Account
- Bank Statement
- Proof of Billing
8. Matatanggap mo ba na malaki ang interest? – Hindi ka naman papahiramin ng bangko kung ng walang interest ang inutang mo. Para ka rin umutang sa bumbay.
9. Pipirma ka na ng mga papeles? – Basahin mo muna lahat ng mga papeles bago ka pumirma. Baga mamaya pirma ka lang ng pirma eh hindi ka pala sigurado. Tignan mo rin ang police clearance at kung kanino at saan nakaregister ang kotse para maka-siguro.
Kapag mayroon ka ng sasakyan. Mas maganda kung ipapa-bless mo ito. Pwede kang pumunta kahit sa anu mang simbahan o di kaya pumunta ka ng Antipolo o sa Manaog, Pangasinan. Mai-roroad test mo na rin ang sasakyan mo at maitatakbo ng malayuan.
Opinyon ni Kwentuko: Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko dahil tinuruan nila ako na hindi lahat ng mga bagay eh nakukuha mo ng isang iglap lamang. Dapat mo itong paghirapan para makuha. Samahan ng dasal at sipag, sigurado ang pangarap mo ay iyong makakamtan.

1 Response to Nasabi Mo Na Ba Ito? – ‘One Day I’ll Have My Own Car Too’
pacita elin
September 6th, 2011 at 6:34 am
Ang owner po lalaki,maari po ba ang asawa ang pumirma sa deed of sale once na bibili ka ng second hand na sasakyan?