Kris Aquino at James Yap, Hiwalay Na?

June 29, 2010 | In: Kwentong Showbiz

Kris Aquino and James YapHindi naman lingid sa ating mga Pilipino na masyadong napaka-public figure ang mag-asawang Kris Aquino at James Yap. Ang mga mata at tenga ng mga Pinoy ay nakatuon sa mga pangyayari sa kanilang buhay, pamilya at relasyon. Noon pa man halos araw-araw sila ang mga laman ng balita lalong lalo na si Kris Aquino at hanggang sa kanyang anak na kelan lang ay naging artista na rin na si Baby James.

Ngayon naman, isang napakasariwang balita, ang mag-asawang Kris Aquino at James Yap ay tuluyan ng naghiwalay. Ito ay inilahad ni Kris Aquino sa kanyang programa na ‘The Buzz’ matapos ang ilang linggong pananahimik nito. Kung inyong naaalala nitong nakaraang mga araw, ang matalik na kaibigan ni Kris na si Boy Abunda ay nagsabi na nagkakalabuan nga ang dalawa at ito rin ang dahilan ng hindi pagsipot ni Kris Aquino sa isang event sa Cebu. Kinompirma rin ni Boy Abunda na umalis na ang mag-iina sa kanilang tirahan.

Si Kris Aquino ay 39 years old sa ngayon at si James Yap naman ay 28. Sayang naman ang pinagsamahan nila ng ilang taon kung ganito nga ang mangyayari sa kanila at kawawa ang kanilang anak. Siguro sa ngayon ok lang kay Baby James kasi hindi pa naman nito alam ang mga nangyayari pero pag dumating na ang panahon na magtanong siya sigurado mahihirapan ang kaniyang mga magulang na mag-explain.

Opinyon ni Kwentuko: Sa panahon ngayon usong-uso na ang annulment and divorce. Hindi na tulad dati talaga ang panahon na pag kinasal eh talagang sila na. Sa ngayon once na magdecide na ang isa sa mag-asawa na maghiwalay eh tutuluyan na. Sana lang sa mga ibang mag-asawa eh isipin ang kanilang mga anak dahil mahirap lumaki ng walang kinakalakihan na matatawag mong pamilya. Dadalhin niya ito hanggang siya ay tumanda.


Related Posts with Thumbnails

Comment Form