Sino nga ba si Kwentuko?

June 3, 2010 | In: Kwentuko Revealed

Nabasa mo na ba yung unang post ko? Kung ndi pa, ito yung post -> Papaano Mo Ako Binasa?

Game.. Sino nga ba ako? Sino nga ba si Kwentuko?

Mahilig ako magsulat ng mga kwento na tunay na nangyayari sa pang araw-araw na buhay ng isang simpleng Pilipino. Simula pagkagising sa umaga, pagpasok sa eskwelahan at opisina, habang asa bahay, habang asa banyo, habang kumakain, habang nananaginip, habang asa sasakyan, habang nagcocommute, habang asa date, habang nageexercise, habang asa bakasyon, habang tumatawa o umiiyak at kung ano anong mga bagay na nangyayari sa buhay ng isang simpleng Pilipino. Mahilig din ako magbigay ng sariling opinyon sa mga nangyayari sa ating bansa na tingin ko ay dapat malaman ng bawat Pilipino.

Sa mga isusulat ko, sisikapin ko na hatiin ang mga kwento na mailalathala dito na parehas. Para sa atin na rin mga noypi. Minsan nakakasawa na rin ang puro mga hindi magaganda na balita ang naririnig natin mga Pilipino. Kapag may kwento akong naisulat tungkol sa mga hindi magagandang nangyayari sa ating bansa o sa kung ano man, sisikapin kong makakasulat din ako ng magagandang balita o kakaiba at nakakatawa.

Mga istorya sa Pinas o sa ibang bansa tungkol sa entertainment, pananamit, pera o negosyo, pagkain, technology at gadgets, games, kalusugan, home, politika, bakasyunan at kung ano-ano pa ang mga mababasa dito.

Opinyon ni Kwentuko: Hindi naman lingid sa atin na halos ang mga naririnig, nababasa at napapanood natin na mga balita ay halos puro bad news. Andiyan ang patayan, dayaan sa politika, kalamidad, pagtataas ng presyo ng mga bilihin at kung ano-ano pa. Sana magbago na ang lahat. Sana maging maayos na ang lahat para ang mga maririnig natin mga istorya at balita ay puro magaganda na at masasaya.


Related Posts with Thumbnails

Comment Form